Taxi driver hinoldap saka pinatay
Natagpuang patay na may saksak sa leeg at pisngi ang taxi driver na ito, nitong kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Pinaniniwalaang hinoldap muna ang biktima bago ito pinatay.
Miguel de Guzman

Taxi driver hinoldap saka pinatay

Lordeth B. Bonilla (Pang-masa) - June 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinoldap na, pinatay pa.

Ito ang masaklap na sinapit ng isang 54-anyos na taxi driver nang matagpuang wala nang buhay at may saksak sa leeg at pisngi sa loob ng kanyang pinapasadang taxi habang ilang gamit nito ang nawawala kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Edgardo Egan, samantalang blanko pa ang pulisya kung sino ang nasa likod ng krimen.

Base sa kuha ng CCTV camera, naganap ang insidente alas- 9:00 kamakalawa ng gabi sa FB Harrison St., Brgy. 3, Zone 1 ng nabanggit na lungsod, kung saan makikitang itinabi sa kalsada ang isang kulay puting taxi.

Hanggang sa natuklasan ng mga nagrorondang tanod na nakahiga at duguan at wala nang buhay ang biktima sa loob ng taxi.

Nabatid, na nawawala ang dashcam at cellphone ng biktima, ngunit narekober naman ang kanyang kinita sa pamamasada, na nakakandado sa lalagyan nito.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente para matukoy ang tunay na motibo sa krimen maging ang mga sangkot dito.

CIRME EDGARDO EGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with