Sa ulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakabanggaan ng Filipino fishing vessel F/B Glimver 1 ang Chinese fishing vessel sa lugar na iniulat ng isang mangingisda kahapon bagaman nangyari ito noong Hunyo 9, 2019.
Wikimedia Commons/Notthebestusername
WPS encounter: Pinoy fishing vessel pinalubog ng Chinese fishing vessel
Joy Cantos (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumubog ang isang Filipino fishing vessel makaraang makabanggaan ang isang Chinese fishing vessel malapit sa Recto Bank sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa ulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakabanggaan ng Filipino fishing vessel F/B Glimver 1 ang Chinese fishing vessel  sa lugar na iniulat ng isang mangingisda kahapon bagaman nangyari ito noong Hunyo 9, 2019.

Dalawang araw pa bago nakarating sa pampang ang mangingisdang Pinoy na nagreport ng insidente dahil may kalayuan ang pinangyarihan ng banggaan.

Ayon kay Lorenzana, mabuti na lamang ang napadaan sa lugar ang isang Vietnamese fishing vessel at nailigtas ang 22 tripulanteng Pinoy na lulan ng pinalubog na fishing vessel.

Nanawagan naman si Lorenzana sa masusing imbestigasyon sa kaso.

FILIPINO FISHING VESSEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with