Sa report ng Iloilo City Bureau of Fire Protection (BFP) Fire Marshal Christopher Regencia, dakong alas-9:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Rizal ng lungsod .
File
Batang lalaki natupok sa sunog
Joy Cantos (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Halos hindi na makilala nang matagpuan ang bangkay ng 4-anyos na batang lalaki matapos itong makulong sa nasusunog niyang bahay sa Iloilo City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Daniel John Peralta na halos hindi na makilala nang marekober ang bangkay sa loob ng banyo sa nasunog nilang bahay.

Sa report ng  Iloilo City Bureau of Fire Protection (BFP) Fire Marshal Christopher Regencia, dakong alas-9:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Rizal ng lungsod .

Dahil sa gawa sa kahoy at iba pang mahihinang uri ng materyales ang mga bahay sa lugar ay mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang kabahayan kabilang ang bahay ng pamilya ng biktima .

Sa pagkataranta umano ng mga magulang ay naiwan ang biktima at ta­nging ang dalawang anak ng kanilang naisamang palabas.

Nabigo naman ang mga itong balikan ang anak dahil nababalutan na ng apoy ang buong kabahayan.

Naapula naman ang apoy matapos na magresponde ang mga bumbero sa lugar at dito na narekober ang bangkay ng bata sa loob ng kanilang banyo.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with