Sa ulat, dakong alas-11:20 ng gabi nang magsagawa ng buy bust ope­ration laban sa mga suspek na hindi na pumalag sa mga otoridad.
File
2 drug pusher tiklo sa P3.4-M shabu
Jorge Hallare (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang drug pusher na itinuturing na high ­value target ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa by-pass road, Brgy. Tarusahan, Milaor, Camarines Sur at nasamsam ang nasa P3.4 milyong pisong halaga ng shabu.

Ang dalawang suspek na kinasuhan sa paglabag sa Republic Act 9165 ay kinilalang sina Alex Bibe Salcedo, ng Brgy. San Felipe, Naga City; at Rolie Tacorda Jr., ng Milaor.

Sa ulat, dakong alas-11:20 ng gabi nang magsagawa ng buy bust ope­ration laban sa mga suspek na hindi na pumalag sa mga otoridad.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang isang malaking sachet ng shabu na tumitimbang ng 500-gramo at may market value na P3.4 milyong piso, drug paraphernalia at booddle money.

Nabawi rin sa mga suspek ang isang To­yota Innova SUV (ZLU-662) at isang motorsiklo na ginamit nila sa transaksyon.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with