Tserman todas sa ambush
Joy Cantos (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ng nag-iisang gunman ang isang barangay chairman na nakasakay ng van, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bubukal, Sta.Cruz, Laguna.

Ang biktima na namatay noon din sa kanyang van ay kinilalang si Toctoc Pandakila, chairman ng Brgy. Bagong Silang, Lumban ng lalawigan.

Sa ulat, bago nangyari ang pananambang sa biktima sa kahabaan ng nasabing highway dakong alas -11:30  ng gabi ay minamaneho nito ang kanyang van na may conduction sticker 130103 na kulay puti upang maki­pagpulong sa isang residente rito.

 Ang nasabing van ay pag-aari at pinarerentahan ng isang Mario de Loma, barangay tanod ng Brgy.Bubukal Santa Cruz.

Habang bumabagtas sa lugar nang parahin siya ng suspek na nakatayo sa tabi ng kalsada na nagkunwaring magtatanong ng direksyon.

Paghinto ng behikulong minamaneho ng biktima ay pinagbabaril ito ng apat na beses ng nasabing lalaki.

Kahit sugatan ay nagawa pang magmaneho palayo ng biktima, pero hinabol ito ng suspek at muling pinagbabaril nang sunud-sunod kung saan bunga ng insidente ay nahulog sa kanal ang behikulo.

Natagpuang patay ang biktima sa loob ng behikulo nito nang mga nagrespondeng rescue team.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

TOCTOC PANDAKILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with