Tinatanong ni Quezon City Police District Director P/B. Gen. Joselito Esquivel ang drug suspek na si Elimond Domingo, 25 na humalay at pumatay sa biktimang si Allison Dacillo, 18 ng Brgy. Payatas B, Quezon City.
Boy Santos
Rapist killer ng 18-anyos dalagang kapitbahay, nadakip
Mer Layson (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang isang drug suspect na humalay at pumatay sa isang 18-anyos na grade 12 student sa Brgy.Payatas B, Quezon City noong Hunyo 7.

Ang suspek na si Elimond Domingo, 25, ng 25 La Trinidad St., Group II, Brgy. Payatas B ay naaresto ng mga otoridad dakong alas-10:00 ng gabi noong Hunyo 10 matapos na matukoy na siya ang pumatay at humalay sa kapitbahay nilang si Allison Dacillo.

Ang bangkay ay natagpuan sa loob ng kaniyang bahay noong Hunyo 7, na walang saplot pang-ibaba kaya’t hinihinalang ginahasa bago pinatay.

Nagtamo rin ang biktima ng mga saksak sa leeg, kaliwang braso at tagiliran.

Natukoy naman ng mga otoridad ang suspek nang imbitahan ang mga kapitbahay ng biktima sa presinto at mahalatang alumpihit ito kaya’t tinutukan na sa imbestigasyon.

Nang bisitahin ang social media account ng suspek, isang kuwintas na may dog tag ang suot ng suspek na tugma sa kuwintas na narekober ng mga otoridad sa crime scene kaya’t kaagad itong inaresto.

Isang testigo rin ang nakakita sa suspek na palabas ng bahay ng biktima ng gabi bago ito natagpuang patay.

Nang isailalim sa tactical questioning ay itinuro na ng suspek sa mga pulis ang kinaroroonan ng mint green underwear at pink shorts ng biktima na inihalo niya sa maruru­ming damit na nasa silid ng biktima.

Ang cellphone at susi naman ng biktima, ay itinapon ng suspek sa isang creek malapit sa Soliven St., Brgy. Commonwealth ay narekober din ng mga otoridad.

Lumitaw pa sa im­bestigasyon na ang suspek ay mayroon ding naka­binbin na warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange­rous Drugs Act od 2002, na inisyu ni Judge Mitu­shealla Mansanero-Casiño, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 228.

CRIME RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with