Sa ulat ng pulisya,bago nangyari ang krimen dakong alas-11:30 ng tanghali ay magkasamang kumakain ang mag-ama ng kanilang tanghalian nang maungkat ang hindi binanggit na isyu na naging dahilan nang mainit nilang pagtatalo.
File
Tatay pinatay ng anak
Jorge Hallare (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

Hinambalos ng bakal sa ulo...

MANILA, Philippines — Basag ang bungo at nagtamo ng mga pasa sa katawan ang isang 46-anyos na tatay matapos na hatawin ng bakal ng kanyang anak habang ito ay kumakain, kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy.Malubi, Aroroy, Masbate.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Cesar Guipe, barangay tanod. Habang tumakas ang anak nitong suspek na si Lizel “Ambo” Guipe, 30.

Sa ulat ng pulisya,bago nangyari ang krimen dakong alas-11:30 ng tanghali ay magkasamang kumakain ang mag-ama ng kanilang tanghalian nang maungkat ang hindi binanggit na isyu na naging dahilan nang mainit nilang pagtatalo.

Galit na tumayo ang anak na kung saan ay kinuha nito ang isang bakal na “motor shocks” at walang kaabog-abog na pinaghahataw ang walang kamalay malay na ama habang kumakain.

Nang duguang humandusay ang ama ay agad na tumakas ang suspek.

Narinig ng ilang kapitbahay ang pagtatalo ng mag-ama at nang magkaroon ng katahimikan ay tinungo ang bahay at doon nakita ang biktima na duguang nakahandusay.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with