Ayon sa Department of Transportation (DOTr) dakong alas-5:21 ng hapon nang pababain ng tren ang mga pasahero sa northbound lane ng Boni Station.
File
MRT tumirik ulit: 850 pasahero pinababa
Mer Layson (Pang-masa) - June 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling naperhuwis­yo ang 850 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nang pababain sila makaraang tumirik ang sinasakyan nilang tren matapos na magkaroon ng ‘electrical failure’ ang motor nito sa area ng Mandaluyong City kamakalawa hapon.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) dakong alas-5:21 ng hapon nang pababain ng tren ang mga pasahero sa northbound lane ng Boni Station.

Umabot ng 7-minuto bago naisakay sa susunod na tren ang mga pinababang pasahero na pawang patungo ng Norh Avenue, Quezon City.

Ang nagkaaberyang train ay kaagad namang dinala sa train depot upang isailalim sa preventive maintenance at replacement ng mga nasirang electrical components upang muling magamit.

MRT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with