Ang pahayag ay ginawa ni Drilon matapos puntiryahin ni Senator-elect Imee Marcos ang Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na kasalukuyang hinahawakan ni Senator Leila de Lima na kasapi ng minorya.
File
Drilon pinalagan ang hatian sa komite
Malou Escudero (Pang-masa) - June 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinalagan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang hatian sa komite ng Senado sa 18th Congress kahit na sinasabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na 95% nang plantsado dahil dapat sundin ang tinatawag na “equity of the incumbent” sa hanay ng minorya.

Ang pahayag ay ginawa ni Drilon matapos puntiryahin ni Senator-elect Imee Marcos ang Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na kasalukuyang hinahawakan ni Senator Leila de Lima na kasapi ng minorya.

Nais naman ni Se­nator-elect Pia Cayetano na makuha ang komite ni Sen. Risa Hontiveros na Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

 Ayon kay Drilon na nakakalungkot kung totoo ang napaulat at umaasa siyang masusunod ang ­“equity of the incumbent” rule kung saan mas pinapaboran na manatiling chairman ang kasalukuyang senador.

Aminado si Drilon na ang pagbibigay ng komite ay “call” ng mayorya at kahit aniya mawalan sila ng mga komite ay hindi pa rin sila titigil na busisiin ang bawat panukalang batas at magsilbing fiscalizer.

FRANKLIN DRILON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with