Iprinisinta ng pulisya sa media ang magkapatid na Grab driver na naaresto sa isang drug buy bust operation sa Quezon City at nasamsam sa kanila ang nasa P168,000 halaga ng high-grade marijuana o ‘Kush’.
Michael Varcas
Mag-utol na Grab driver timbog sa P168K na ‘Kush’
Mer Layson (Pang-masa) - June 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang mag-utol na Grab driver ang dinakip ng mga otoridad sa isinagawang buy bust operation at nakumpiska sa kanila ang 112 gramo ng imported marijuana o mas kilalang ‘Kush’ sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang magkapatid na sina Jason King, 46 at Bryan, 44, kapwa residente ng No. 224 Lords Candle St., Brgy. Paso De Blas, Valenzuela City.

Sa ulat, bago naaresto ang magkapatid dakong alas-5:00 ng umaga sa Mindanao Avenue, Brgy. Bahay Toro ay nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Batasan Police station 6 na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Joel Villanueva nang magpanggap ang isang pulis na bibili ng P70,000 halaga ng Kush.

Habang iniaabot ng magkapatid ang Kush ay nagsilabasan mula sa pinagkukublihan ang mga otoridad na kasama ng ‘poseur buyer’ at dinakma ang magkapatid na sakay ng kulay gray na Toyota Fortuner na may plakang APA-7148.

Apat na zip lock transparent plastic sachets na naglalaman ng 112 gramo ng Kush na may street value na P168.000 ang nasamsam ng mga otoridad.

GRAB DRIVER ILLEGAL DRUGS KUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with