Nakalaya sa kasong droga, itinumba
Joy Cantos (Pang-masa) - June 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang lalaki na kalalaya lang sa kasong droga ang pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Banilad, Bacong, Negros Oriental.

Ang biktma ay kinilalang si Christopher Torres Cus­todio alyas Kaloy, 42, tubong Purok Tugas, Brgy. Cadauinonan, Dumaguete City ng nasabing lalawigan.

Sa ulat, dakong ala-1:45 ng madaling araw ay nakatayo ang biktima nang sumulpot sa lugar ang mga armadong salarin at pinagbabaril ang biktima na noon ay namatay din.

Nabatid na ang biktima ay dating drug detainee na nakulong sa Dumaguete City Jail na nakalaya noong Nobyembre 14, 2018 at pansamantalang nanini­rahan sa Brgy. Banilad, Bacong ng lalawigang ito.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with