2 pusher dedo sa drug ops
Joy Cantos (Pang-masa) - June 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang pinaghihinalaang drug pushers nang manlaban sa mga sa magkahiwalay na drug buy bust operation sa lalawigan ng Laguna at Batangas.

Sa Lumban, Laguna, napatay dakong alas-10:00 ng gabi ang drug suspect na si Ferdie Aquino, alyas Pendong, nasa hustong gulang, ng Brgy. Maytalang 1 matapos na manlaban sa mga pulis nang makatunog na ang kanyang katransaksyon ay isang pulis.

Narekober sa suspek ang isang sachet ng shabu, isang cal. 45 pistol at P500.00 na ginamit na buy-bust money.

Dakong alas-2:10 ng madaling araw ay napatay din ng mga pulis ang drug suspect na si Nicky Corachea, nang manlaban din ito sa drug buy-bust operation ng anti-drug operatives ng Rosario Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Maligaya, Rosario ng lalawigan.

Nakumpiska sa suspek ang ilang sachet ng shabu at 15 piraso ng P1,000 na ginamit na marked money laban sa suspek.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with