^

Police Metro

Magkaangkas sa motor, tepok sa dump truck

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lasog ang dalawang 16-anyos na binatilyo matapos salpukin ng isang rumaragasang dump truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa highway ng Brgy. Magnuang, Batac City, Ilocos Norte noong Biyernes.

Kinilala ang nasawing rider na si Christian Roy Miguel at angkas nitong si John Lloyd Badua, pawang residente ng nasabing lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-12:00 ng tanghali, binabagtas ng mga biktima ang highway sa nasabing lugar nang agawin ang kabilang lane sa pakurbadang bahagi at mabulaga at masalpok ng kasalubong na trak.

Sa tindi ng banggaan ay pumailalim sa trak ang motorsiklo kung saan nagulungan pa hanggang mapisak ang mga biktima.

Nabatid na kapwa walang suot na helmet ang mga biktima.

Sumuko naman sa mga pulis si Bartolome matapos ang sakuna.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with