2 ‘pusher’ timbog sa drug ops
MANILA, Philippines — Sa selda ang bagsak ng dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos magsagawa ng magkahiwalay na drug-bust operation ang mga otoridad Barangay Pampang at Barangay Amsic, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat sa tanggapan ni P/Major Fercel Deloria Police Station 2 Commander, kinilala ang mga suspek na sina Jojo Supan, 30, tricycle driver, residente ng Brgy. Amsic at Enrico Batac, alyas “Henry Bakla”, 42, residente sa Brgy Pampang.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 11 plastic heat sealed sachet ng shabu, at dalawang P500.00 bill na ginamit bilang marked money.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng dalawang suspek.
- Latest