^

Police Metro

Trader utas sa 2 tandem

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang 48-anyos na may-ari ng isang trucking service na si Melchor Almazan habang nakaligtas naman ang kasama nito matapos pagbabarilin hanggang mapatay ng apat na salarin na pawang mga sakay ng dalawang motorsiklo habang sakay ng kanyang sports utility vehicle (SUV), sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Si Almazan na residente ng Brgy. 40, Caloocan City ay idineklarang dead-on-arrival sa Tondo General Hospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, dakong alas-8:20 ng gabi habang sakay si Almazan ng kanyang kulay itim na Toyota Fortuner (KLT-08) nang pagsapit sa Ismakay Market, sa Brgy. 128 sa Vitas Tondo, ay biglang sumulpot ang mga nakabuntot na salarin at walang sabi-sabing niratrat ang sasakyan ng biktima hanggang sa ito’y mapatay habang nakaligtas naman ang kasamang si Vladimir Almazan, 22-anyos.

Matapos umalingaw­ngaw ang mga putok ng baril ay bumaba ng motorsiklo ang dalawang angkas at binuksan ang sasakyan ng biktima at kinuha ang ‘di pa tukoy na halaga ng perang koleksyon umano sa negosyo at muling sumakay sa mga motorsiklo bago humarurot patakas.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagkilanlan ng mga suspek.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with