Guro dinedo, lover nagsaksak sa sarili
Jorge Hallare (Pang-masa) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 24-anyos na guro ng kinakasamang tricycle driver na nagsaksak din sa sarili makaraang magtalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy.Binanuahan sa bayan ng Bato,Catanduanes kamakalawa ng gabi.

Kapwa duguang nakahandusay at parehong walang malay na magkatabi sa labas ng banyo nang matagpuan ng ang mag-live in na sina Liezel Arandia Tato, guro ng Hawan Elementary School at Reymark Tulalian Tebelin, 28.

Agad na isinugod ng mga pulis ang dalawa sa Immaculate Heart of Mary Hospital sa bayan ng Virac, pero ideneklarang patay si Tato dahil sa mga malalalim na saksak sa iba-ibang bahagi ng katawan habang nagpapagaling sa isang tama sa dibdib ang kinakasamang suspek na si Tebelin.

Sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi sa hindi pa malamang dahilan ay nag-away ang maglive-in at dahil sa init ng pagtatalo ay nagdilim umano ang pag-iisip ng suspek na kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak ang biktima na tinangkang tumakbo upang magtago sa loob ng banyo.

Makaraang ma­pas­lang ang kinakasama, nagsaksak din sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib ang suspek.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with