Nagpahayag din ka­ma­kailan si Sara na walang katotohanan ang sinabi ni Rep. Prospero Pichay na inirekomenda niya si Romualdez para maging House Speaker.
File
Sara hindi inirekomenda si Romualdez sa pagka-House Speaker
Rudy Andal (Pang-masa) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t nakuha ni reelected Leyte Cong. Martin Romualdez ang endorso ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa ginanap na rally ng Hugpong ng Pagbabago sa Tacloban City noong Marso ay itinanggi ni Ma­yor Sara na inirekomenda niya ito ang pagka-Speaker sa darating na panibagong Kongreso na kung saan ay napaulat din na maging si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay napaulat na “inendorso” rin.

Nagpahayag din ka­ma­kailan si Sara na walang katotohanan ang sinabi ni Rep. Prospero Pichay na inirekomenda niya si Romualdez para maging House Speaker.

Una nang sinabi ni Sara na ang susunod na Speaker ay dapat na “supportive of the President’s reform agenda.”

Maaalala na ang Lakas-CMD party, kung saan si Romualdez ang pinuno, ang umano’y dahilan ng pag-delay ng approval ng 2019 national budget sa House dahil sa mga tinaguriang illegal post-ratification realignments sa budget sa kabila ng aprubado na ito ng Senado sa bicameral conference committee na nagbunsod sa pag-veto ni President Duterte dahil sa mga provisions na “isiningit” ng Andaya group.

Maging si Velasco ay sinasabing hindi rin sumuporta kay Duterte noong tumakbo ito sa pagka-pre­sidente noong 2016 elections, at sa halip ay sinuportahan si Grace Poe na naging no.1 din sa Marinduque sa katatapos lang na eleksyon.

MARTIN ROMUALDEZ SARA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with