2 kotong cop, tiklo sa entrapment
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga miyembro ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) ang dalawang pulis dahil sa pangingikil ng mga suspek sa kanilang inaresto sa bayan ng Wao, Lanao del Sur, kamakalawa.

Kinilala ang dalawang inarestong pulis na sina Police Staff Sergeant Jeffrey Romero Fabros at Police Master Sergeant Erwin Piquero.

Ayon kay CITF commander Police Col. Romeo Caramat, ang dalawa ay kapwa nahuli sa aktong nango­ngotong matapos na tumatanggap ng P50,000 na marked money mula sa complainant.

Ayon sa nagrereklamong si Laut Madale, naaresto ang kanyang anak nina Piquero matapos salakayin ang kanilang bahay na walang search warrant noong Mayo 17, 2019 para sa illegal possession of firearms at nakuhanan ng isang .45 kalibre na baril.

Hiningan umano ng mga nadakip na pulis si Madale ng P200,000.00 kapalit ng kalayaan ng kanyang anak at mapababa ang kaso.

Sinabi pa ni Madale na nakapagbigay na siya ng P100,000.00 at pinalabas ang anak. At may balanse pa silang isang daan libo na bumaba sa P50,000.00.

Dahilan para magsumbong si Madale sa CITF at dito naaktuhan tinatanggap nina Piquero ang P50,000.00 na marked money.

Napag-alaman na ang dalawang parak ay inilipat sa Mindanao matapos na idinadawit ang mga ito sa illegal na droga.

KOTONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with