^

Police Metro

3 nalunod sa ilog

Jorge Hallare, Lordeth Bonilla - Pang-masa
3 nalunod sa ilog
Sa Makati City, kinilala ang magkapatid na nalunod sa Pasig River na sina Ronald Angelo, 11 at Dave De Guzman, 4-anyos, nakatira sa Brgy. Buting, Pasig City.
File

MANILA, Philippines — Dalawang insidente nang pagkalunod sa ilog na ikinasawi ng tatlong katao kabilang ang magkapatid na paslit sa Makati City at Masbate.

Sa Makati City, kinilala ang magkapatid na nalunod sa Pasig River na sina Ronald Angelo, 11 at Dave De Guzman, 4-anyos, nakatira sa Brgy. Buting, Pasig City.

Nabatid na nitong Miyerkules alas-10:00 ng umaga ay nakatayo si Dave sa isang bato sa Ilog Pasig nang aksidenteng nadulas  at nahulog ito.

Nakita ito ng kanyang kuya na si Ronald, na bagama’t hindi maru­nong lumangoy ay sinaklolohan ang nalulunod at inaanod na kapatid hanggang sa kapwa malunod na ang bangkay ay natagpuan sa ng  Brgy. Poblacion at Brgy. West Rembo ng lungsod.

Nalunod at namatay din ang 20-anyos na si Divina Magbalon Rivas, residente ng Brgy. Nabongsoran, Aroroy, Masbate habang nali­ligo sa ilog kasama ang kasintahan, mga kaibigan at pamilya sa Brgy.Sta.Fe sa bayan ng Mandaon, Masbate kamakalawa ng ala-1:00 ng hapon.

Sinubukan pang isugod sa Mandaon Medicare Community Hospital pero hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

DROWNING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with