^

Police Metro

Onsehan sa droga... 5 tulak minasaker sa drug den

Joy Cantos - Pang-masa
Onsehan sa droga... 5 tulak minasaker sa drug den
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Norberto Oden, 63; Manuelito Bergonio alyas Noknok, 35 , nasa drug watchlist at may nakabimbing kaso ng carnapping; Juliet Fernandez, nasa hustong gulang , maintainer ng drug den; isang alyas Mel Diezel, nasa drug watchlist ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at isang hindi pa nakilalang biktima.
File

MANILA, Philippines — Minasaker ang limang katao na umano ay mga drug pusher nang sila ay pagbabarilin kahapon ng umaga sa bahay ng isa sa mga biktima na umano ay drug den na matatagpuan sa Brgy. San Pedro, San Jose del Monte City, Bulacan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Norberto Oden, 63; Manuelito Bergonio alyas Noknok, 35 , nasa drug watchlist at may nakabimbing kaso ng carnapping; Juliet Fernandez, nasa hustong gulang , maintainer ng drug den; isang alyas Mel Diezel, nasa drug watchlist ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at isang hindi pa nakilalang biktima.

Sa pahayag ng mga residente na dakong alas-8:30 ng umaga ay nakarinig sila nang sunud-sunod na putok mula sa tinutuluyan ng mga biktima  at nakita ang pagtakas ng mga armadong kalalakihan sa lugar.

Agad na inireport sa himpilan ng pulisya ang insidente kaya’t nang magresponde bandang alas-9:50 ng umaga ang Scene of the Crime Operatives (SOCO ) team ng pulisya ay dito na nadiskubre ang nakabulagtang bangkay ng mga biktima.

Narekober sa crime scene ang 10 piraso ng basyo ng cartridge ng cal. 45 pistol, anim na piraso ng cal. 40 cartridge, dalawang piraso ng hindi pa naipuputok na bala ng cal. 45 pistol, mga basyo ng bala ng cal 40 at cal 45 pistol at isang malaking plastic sachet ng shabu  at pitong plastic sachet ng shabu.

Kinumpirma ng kamag-anak ng mga biktima na sangkot sa pagtutulak ng droga sa kanilang lugar ang mga ito.

Hinala ng pulisya na posibleng onsehan sa benta ng shabu ang dahilan nang pagpatay sa mga biktima.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with