Sekyu na pumatay at nagtapon sa 14-anyos sa septic tank, tiklo
Joy Cantos (Pang-masa) - May 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto na ng pulis­ya ang sekyu na suspek sa pagpatay at pagtapon sa 14-anyos na dalagita sa septic tank noong Abril 8 sa Cebu City.

Ang naaresto ay kinilalang si Jessie Mediquillo, 34. ng Brgy. Lahug, Cebu City na itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay sa biktimang si Thesa Marie Ygay na sinasabi nito na kanyang nobya na pinalo nito ng matigas na bagay sa ulo.

Ang suspect ay ina­resto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Josefa Pinza-Ramos, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 25 ng Danao City.

Magugunita na nawa­wala noong Abril 6 ng taong ito ang biktima at natagpuan sa septic tank ang bangkay sa bisinidad ng Cogon Cruz Integrated School sa Danao City.

Inamin naman ng suspek na pinaslang niya ang biktima nang ito ay nakipagkalas sa kaniya dahilan sa may iba ng nobyo na ikinagalit nito.

Nabatid pa na ilang araw bago naganap ang krimen ay halos kinalbo ng suspek ang biktima upang hindi na umano makalabas ng bahay habang binantaan rin nito ang bago nitong kasinta-han na papatayin umano.

Una nang sumuko kamakailan sa mga barangay opisyal ang suspek bago pa ito maaresto ng pulisya matapos na makuha na ang kopya ng warrant of arrest.

JESSIE MEDIQUILLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with