Ayon kay Albayalde pareho lang sila ng choice ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” dela Rosa para irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte.
The STAR/Boy Santos
3 contenders sa PNP Chief post inirekomenda ni Albayalde
Joy Cantos (Pang-masa) - May 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Irerekomenda ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Ge-neral Oscar Albayalde ang 3 contenders na hahalili sa kanyang puwesto bilang susunod na hepe ng pulisya sa bansa.

Kabilang sa kaniyang mga irerekomenda para maging susunod na PNP Chief ay sina National Capital Region Police Director Police Major Gen. Guillermo Eleazar, produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1987; PNP Deputy Chief for Operations  Police Lt. Gen.  Archie Gamboa;  at Police Lt. Gen. Pancracius Camilo Cascolan na number 4 sa PNP bilang Chief Directorial Staff.

Ayon kay Albayalde pareho lang sila ng choice ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” dela Rosa para irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagaman pinakabata sa mga ito si Eleazar mula sa PMA Class 1987 ay hindi naman matatawaran ang performance nito sa trabaho bilang top cop sa National Capital Region (NCR).

Nakatakdang magretiro sa puwesto si Alba-yalde sa kaniyang ika-56 kaarawan sa darating na Nobyembre 8, 2019.

GUILLERMO ELEAZAR OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with