Tatay na humalay sa anak, pinatay
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - May 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaghihinalaang isang vigilante ang pumatay sa isang ama na suspek sa panghahalay sa sariling anak nang ito ay barilin habang namamasada ng tricycle, kamakalawa ng gabi sa Poblacion, General Santos City, Kidapawan.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Joel Laraño Pesquera, 44, ng Purok Guava, Poblacion.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-6:55 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kanyang pinapasadang tricycle nang lapitan ito ng isang motorsiklo at walang kaabog-abog na barilin ng angkas.

Nakatakbo pa ng ilang metro ang tricycle ng biktima bago huminto malapit sa isang kainan at dito na ito binawian ng buhay. Sinabi ni Kidapawan City police chief Police Lt Col. Maria Joyce Birrey, na may kinakaharap na kasong rape ang biktima dahil umano sa panghahalay sa kanyang anak na babae.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ang pagpatay sa biktima ay may kaugnayan sa kaso nitong rape.

JOEL LARAñO PESQUERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with