Trike vs kotse: 3 todas, 3 sugatan
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - May 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay ang tatlong katao habang tatlo ang nasugatan matapos na sumal­pok ang kanilang sinasakyang tricycle sa isang Toyota Sedan at sumalpok uli sa isang Nissan pick-up, kamakalawa ng hapon sa national highway ng Kakai Renabor, Tubod, Lanao del Norte.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Samia Pasan Montila, 30; Charlyn Mondido Sumagang, 33; kapwa taga-Barangay Libertad; at Amenola Hadji Latip, ng Barangay Manga ng bayan ng Ko-lambugan.

Nasugatan naman sina KJenelyn Filipino Sayre, 31; Mohammad Jalil Pa-san Montila, 9; at Antonina Pang-an Balatero, 55.

Sa ulat, alas-3:30 ng hapon ay bumabagtas ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima sa nasabing highway nang salpukin ng Toyota Sedan na patungo sa bayan ng Ko-lambugan.

Nawalan ng kontrol ang driver ng tricycle kaya’t nasalpok din ito ng paparating na Nissan pick-up dahilan para tumilapon ang mga biktima.

Tumakas ang driver ng Toyota Sedan at sumakay sa isang puting Toyota Revo.

Nang isailalim sa beripikasyon ang plaka ng Sedan na AA-1884 ay nakarehistro ito sa isang Nicanor Andal Garcia ng Fairview, Quezon City at hinala na tinangay ito ng mga suspek.

Sumuko naman ang driver ng Nissan pick-up (FOZ-853) na si Prince Alexander Umpa Caorong sa pulisya.

SAMIA PASAN MONTILA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with