Comelec executives kinasuhan sa Ombudsman
(Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong administratibo sa Ombudsman ng grupong Mata Sa Balota Movement ang mga executives ng Commission on Election (Comelec) bunsod ng hindi pagpapatupad ng pinakamahalagang bahagi ng automated election system (AES) law na nagdulot ng kaliwa’t kanang ulat ng kapalpakan ng mga makina at proseso nang katatapos na May 13 midterm election.

Kinasuhan ng serious dishonesty si Comelec  Exe­cutive Director Jose Marundan Tolentino habang gross neglect of duty sina Deputy Teopisto E. Elnas Jr.; at Comelec Spokesperson James Arthur B. Jimenez. Kasama rin sa kaso ang buong Smartmatic Information Management at mga operators nito.

Hindi rin pinaligtas ng grupo si dating Comelec Chairman Juan Andres Donato Bautista dahil sa ka­walan nya ng intensyong ipatupad ang mga nakasaad sa Saligang Batas na Omnibus Election Code.

Sinabi ni Dr. Mike Aragon, spokesperson ng Mata sa Balota Movement, sa pagbubukas ng bagong kapulungan ng Kongreso sa Hulyo ay asahan ang pagsasampa nila ng impeachment complaint laban sa mga nasabing Comelec executives.

COMMISSION ON ELECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with