Incoming QC mayor Joy B, sisibakin ang mga bad eggs sa city hall
Angie dela Cruz (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakda umanong sibakin ni incoming QC Mayor Joy Belmonte ang mga non-performing assets o mga bad eggs na walang ginagawang magandang serbisyo sa mamamayan ng lungsod.

Ito ang sinabi ni Belmonte bilang mga pa­ngunahing hakbang na gagawin sa loob ng 100 araw sa posisyon bilang alkalde ng lungsod.

Anya, ang paglilinis sa QC hall ang unang aayusin upang ang mga bulok na sistema na may anomalya ay maitama at hindi ito-tolerate ang mga maling gawain sa cityhall.

“Sisimulan po natin ang pagbabago sa lungsod, yung mga pumanig sa korapsiyon ay dapat mag-early retirement na dahil hindi po natin sila kailangan sa aking pamunuan, yung mga walang ginawang mabuti para sa bayan ay hindi na dapat manatili pa sa kanilang posisyon,” sabi ni Belmonte.

“Sa ginawa kong pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa QC ay nakatanggap ako ng iba’t ibang mga reklamo na tungkol sa anomalya at hindi ko itotolerate ito. Magkakaroon din po tayo ng auditing sa mga proyekto, titingnan natin kung ang mga proyektong ginastusan ng lokal na pamahalaan ay tapos na at kung hindi pa. Titingnan din natin kung ang mga contractors ay nag-comply sa mga requirements. Gusto ko po sa loob ng 100 days ko ay maramdaman na agad ng ating mamamayan ang mga pagbabago sa lungsod,” dagdag ni Belmonte.

Gusto rin ni Belmonte na magkaroon ng Housing department sa ilalim ng kanyang pamunuan upang mabigyan ng sapat na programang pabahay ang may 250,000 informal settler families ng lungsod na una na niyang naipangako noong kumakandidato.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with