DILG: Bumoto sa mga kandidato na sangkot sa droga, hindi pa mature
Mer Layson (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa umano mature ang mga botanteng nagluklok sa mga pulitikong sangkot sa illegal drugs noong nakalipas na eleksyon.

Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año at posibleng may  utang na loob ang mga botante sa mga naturang politiko kaya’t kahit na alam nilang kasama ang mga ito sa narco list ng pamahalaan ay ito pa rin ang ibinoto nila.

Posible rin naman aniyang wala lang talagang pakialam ang botante kung nasa narcolist ang kandidato dahil nabili na ng mga ito ang kanilang mga boto.

Pero, nilinaw naman ni Año na ang pagkapanalo ng mga narco politicians sa eleksiyon ay hindi garantiya na makaliligtas na sila sa kanilang isasagawang imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagkakasangkot nila sa illegal na droga.

Sa 46 politiko na kasama sa narcolist na inianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso, ay 37 ang tumakbo sa eleksiyon at 27 sa mga ito ang nanalo.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with