Bago nangyari ang engkuwentro dakong ala-1:00 ng hapon ay nakatanggap ng sumbong ang tropa ng Civil Military Operation Officer 36th Infantry (Valor) Batta-lion, Philippine Army sa ilang sibilyan hinggil sa extortion na ginagawa ng mga armadong grupo sa lugar.
Joven Cagande
4 NPA rebels utas sa engkuwentro
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - May 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat miyembro ng New People’s Army (NPA) rebels ang napatay nang makaengkuwentro ang tropa ng pamahalaan kamakalawa ng hapon sa liblib at masukal na kabundukan ng Brgy. Cancavan, Carmen, Surigao del Sur.

Bago nangyari ang engkuwentro dakong ala-1:00 ng hapon ay nakatanggap ng sumbong ang tropa ng Civil Military Operation Officer 36th Infantry (Valor) Batta-lion, Philippine Army sa ilang sibilyan hinggil sa extortion na ginagawa ng mga armadong grupo sa lugar.

Agad na rumesponde ang mga sundalo at pagdating sa nasabing lugar ay nakasagupa ang sampung rebelde sa ilalim ng pamumuno ni Raul Alacre alias Megan ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) na tumagal ng 15 minuto ang bakbakan hanggang sa mapatay noon din ang tatlo habang isa ang nasugatan na nakilalang si Gealan P. Jimenez, alias Jareb, 24, ng Brgy. Adlay, Car-rascal, Surigao del Sur na agad namang binigyan ng medikal na atensiyon, subalit nasawi rin habang ginagamot sa isang ospital.

Nasamsam din sa lugar nang pinangyarihan ang tatlong AK-47 at dalawang M16 rifle, 12 magazines ng AK-47, dalawang long magazines ng M16, tatlong mga cellular phones, iba’t ibang mga bala at ilang mga personal na gamit at mga high valued documents.

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with