^

Police Metro

Paslit kinatay, isinilid sa eco bag ng adik

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mistulang hayop ang ginawang pagpatay ng isang lalaking drug addict sa isang 5-anyos na batang babae na nilaslas ang leeg, pinagsasaksak ng ice pick at pagkatapos ay isinilid pa sa isang ma-laking eco bag naga­nap kamakalawa sa Brgy. Patimbao, Sta Cruz, Laguna.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Redelyn Sumague, ng Sitio 1, Brgy. Patimbao, Santa Cruz, Laguna.

Agad namang naaresto ang suspek na si Glenn Ford Manzanero, 30 na ina­ming lulong siya sa droga nang gawin ang krimen.

Sa ulat, nadiskubre lang ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi nang tanungin ang suspek ng isa nitong kaanak kung ano ang nakalagay sa kulay rosas na malaking eco bag na gawa mula sa sako na bitbit nito.

Sinabi ng suspek na may bata sa loob ng dala niyang eco bag at ng buksan ng mga kamag-anak ng suspek at mga residente ay tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng bata.

Huling nakitang buhay ang biktima habang naglalaro sa kanilang barangay kamakalawa ng hapon at nakita rin ito ng isang residente na akay-akay ng suspek matapos itong tawagin at bigyan ng mais con yelo bago isinama.

Inireport naman ng mga kamag-anak ng suspek ang insidente sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto rito.

vuukle comment

REDELYN SUMAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with