^

Police Metro

Dating hepe ng traffic enforcer todas sa drug bust

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga oto-ridad ang isang dating traffic enforcer chief matapos mauwi sa shootout ang drug buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sampaloc, Pagsanjan, Laguna.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Leo­digario Recide alyas Odec, nasa hustong gulang, tubong Siniloan, Laguna at naninirahan sa Babaan Apartment, 2nd Street, Jubilee Subdivision, Brgy. Sampaloc, Pagsanjan.

Si Recide ay dating traffic enforcer chief na nakatalaga sa Siniloan, Laguna at nasa drug watchlist.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout bandang alas-6:15 ng gabi sa loob ng inuupa-hang apartment ni Recide ay isinagawa ang buy bust operation matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya sa aktibong pagtutulak ng droga ng suspek na nagagawang magbenta ng 50 gramo  ng shabu kada araw sa bayan ng Siniloan at Pagsanjan.

Habang isinasagawa ang transaksyon ay nakatunog ang suspek na undercover agent ang kaniyang ka-deal sa bentahan ng droga at binunot ang baril at binaril ang ka-deal, subalit sumablay.

Lumabas ang mga ele­mento ng pulisya at Phi-lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operatives at gumanti ng putok at napatay ang suspek na rati nang naaresto sa paglabag sa illegal fire-arms at droga na kasalukuyang nasa probation status at plea bargaining agreement.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with