^

Police Metro

Dalaga inutas ng nobyo

Mer Layson - Pang-masa
Dalaga inutas ng nobyo
Bandang alas-3:50 ng madaling araw, pauwi na ang isang Nhoril Guinat nang madaanan niya ang duguang bangkay ng babae sa tapat kaya’t agad niyang inireport sa pulisya.
File

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang kanyang nobya matapos na magtalo habang nag-iinuman kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si alyas Angel, nasa 25-30 ang edad, nakasuot ng violet t-shirt at maong short pants na natagpuang patay sa harap ng isang ginawang gusali sa No. 16 Engineer St., kanto ng Benefits, Brgy. Sangandaan, bandang alas-3:50 ng madaling araw.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-6:00 ng gabi na nakikipag-inuman sa kaniyang nobyo na nakilalang si Philip Bangalisan, tubong Masbate, at stay-in caretaker sa nabanggit na ginagawang gusali, kasama ang isa pang obrero na si Dindo Cilla.

Bandang alas-3:50 ng madaling araw, pauwi na ang isang Nhoril Guinat nang madaanan niya ang duguang bangkay ng babae sa tapat kaya’t agad niyang inireport sa pulisya.

Nakuha sa crime scene ang isang kutsilyo na may habang 10 pulgada at may bahid ng dugo na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with