^

Police Metro

Drug pusher dedo sa buy bust

Danilo Garcia - Pang-masa
Drug pusher dedo sa buy bust
Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-11:55 ng gabi sa Dulong Tangke Street, Brgy. Malinta ay nagpanggap na buyer ang isang pulis at nakabili ng isang plastic sachet ng shabu sa suspek.
File

MANILA, Philippines — Napatay sa isang drug buy bust operation ang isang lalaki na umano ay drug pusher matapos umanong manlaban sa mga pulis, naganap kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Jessie Cabigas, nasa hustong gulang habang nakatakas naman ang kanyang kasama na si Alfredo Yumol.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-11:55 ng gabi sa Dulong Tangke Street, Brgy. Malinta ay nagpanggap na buyer ang isang pulis at nakabili ng isang plastic sachet ng shabu sa suspek.

Matapos matanggap ang shabu ay nagbigay na ito ng senyales sa kanyang mga kasamahan na lumabas na sa kanilang pinagtataguan para arestuhin ang mga suspek ngunit agad na nakatunog.

Dito nagbunot ng baril si Cabigas at pinaputukan ang kanyang katransak­syon na masuwerteng hindi tinamaan at nakalayo agad kaya’t gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para duguang bumulagta si Cabigas habang sinamantala naman ni Yumol ang kaguluhan para makatakas.

vuukle comment

JESSIE CABIGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with