^

Police Metro

Palasyo: Duterte hindi naospital

Rudy Andal - Pang-masa
Palasyo: Duterte hindi naospital
Makikita sa larawan si Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabasa ng isyu ng Philippine Star kahapon kasama si dating presidential aide at senator to be Christopher “Bong” Go sa Bahay Pangarap sa Malacañang.

MANILA, Philippines — Pinabulaanan kaha-pon ng Malacañang ang ulat na naka-confined si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City dahil sa may sakit ito.

Sa isang text message na ipinadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC) na walang katotohan at isang tsismis lang ang lumabas na ulat.

Sa mga gumagamit ng social media ay pinoste ng mga ito na si Pangulong Duterte ay na-confine sa nasabing ospital noon pang Biyernes kaya’t mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa nasabing ospital.

Huling nakita ng publiko si Pangulong Duterte noong Lunes raw ng halalan nang ito ay bumoto sa Davao City.

Isang larawan ang pinadala ni dating presidential aide Christopher “Bong” Go, President Duterte na may hawak ang Pangulo ng isang broadsheet na Sunday issue sa Bahay Pangarap sa Malacañang Park.

Sinabi rin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nasa Malacañang ang Pangulo at patuloy na nagtratrabaho.

Hindi ito ang unang pagkakataon na natsismis na isinugod ang Pangulo sa Cardinal Santos hospital.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with