Ina, kasabwat nagpuslit ng shabu sa preso, tiklo
Mer Layson (Pang-masa) - May 17, 2019 - 12:00am

Isinilid sa pakete ng instant noodles

MANILA, Philippines — Jailmates na ngayon ang isang mag-ina at kasab­wat nitong babae matapos tangkaing magpuslit ng anim na sachet ng shabu na isinilid sa pakete ng instant noodles nang dalawin ang kanyang anak na adik na nakapiit sa Angono Municipal Police Station, sa Brgy. San Isidro, Ango­no, Rizal, kamakalawa.

Himas-rehas at nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga na­sa­koteng suspek na sina Divina Dizon, 52, ng Karangyaan St., Karangalan Village, Pasig City; at Marimar Santos, 21, ng A. Roldan St., Purok 2, New Lower Bicutan, Taguig City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 madaling araw nang isang tip ang natanggap ng mga otoridad mula sa isang nagpakila-lang “Divina” hinggil sa gagawing pag­pupuslit ng ilegal na droga ni Divina para sa kanyang anak na nakakulong, kaya’t ina­ba­ngan na ito ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team.

Dakong alas-12:00 ng tanghali nang dumating si Divina sa piitan upang dalawin at dalhan umano ng pananghalian ang anak na si Jeffrey Dizon.

Dito ay agad na isi­na­­ilalim si Divina sa ins­peksiyon at dito na nare­kober ang anim na maliliit na pakete ng shabu na nakatago sa loob ng pakete ng isang instant noodles kaya’t kaagad na itong dinakip at ipiniit.

Nabatid din naman ng mga otoridad na may kasabwat si Divina na naghihintay sa labas ng presinto kaya’t agad din itong inaresto, at nang kapkapan ay nakumpiskahan ng dalawang pakete ng shabu.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with