Kinilala ang mga nasawi na sina Jedd Ybañez, stepson ng suspek sa misis na si Delia Ybañez Torrefranca na namapaya may ilang buwan na ang nakalilipas at si Brgy. Lawaan III Chairman Jimmy Bartilic.
File
2 tigok, nag-amok na ex-us marine dedo rin
Joy Cantos (Pang-masa) - May 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlo kabilang ang isang ex-US Marine matapos itong mag-amok sa loob ng kanilang tahanan na sinugog nito at pagbabarilin ang kanyang stepson at isang bara-ngay chairman makaraang mauwi sa shootout ang insidente sa Brgy. Lawaan III, Talisay City, Cebu.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jedd Ybañez, stepson ng suspek sa misis na si Delia Ybañez Torrefranca na namapaya may ilang buwan na ang nakalilipas at si Brgy. Lawaan III Chairman Jimmy Bartilic.

Patay din ang dating US Marine na si Dean Torrefranca nang makipag-barilan sa arresting team ng pulisya sa loob ng kanyang tahanan na sinunog nito sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang magtungo sa Barangay hall sa lugar si Jedd Ybañez at kapatid nito sa ina na si Boboy Omaña at hinarap si Torrefranca kaugnay ng hatian sa ari-arian dahil namatay na ang kanilang ina.

Nabatid na nag-away sina Ybañez at Torrefranca sa kustodya sa kanilang bahay at dalawang kotse kung saan ayaw pumayag ng huli na mapunta ito sa anak ng kanyang misis na Pinay.

Gayunman, nabigo uma­nong magkasundo sina Ybañez at Torrefranca hanggang sa mag-walkout ang nasabing retiradong US Marine.

Bandang alas-11:00 ng umaga nang tunguhin naman nina Bartilic at Ybañez ang kanilang ta-hanan para tapusin na ang bagay na hindi napagkasundudan.

Gayunman, hinarap umano sila ni Torrefranca na armado na at nakasuot ng vest kung saan agad tumakbo sina Bartilic at Ybañez nang mamaril si Torrefranca pero kapwa sila nasapul ng bala at agad na nasawi.

Nagtago si Torrefranca sa ikalawang palapag ng bahay nang duma-ting ang mga rumespondeng pulis na nagresulta sa shootout na ikinasawi nito makaraang sunugin ng suspek ang kanilang bahay.

Matapos maapula ang apoy ay narekober ng mga bumbero ang sunog na katawan ng suspek.

JEDD YBAñEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with