Ang suspek na si Rodel Pascua ay nadakip dakong alas-10:30 ng gabi sa Brgy. Diarao habang ang isa pang suspek na si Jayson Leanio ay kusang loob na sumuko dakong alas-9:30 ng umaga sa Brgy. Sta. Isabel, Jones ng nasabing lalawigan.
Miguel De Guzman
2 nanunog ng VCM at election paraphernalias, nadakip
Joy Cantos (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga otoridad ang dalawang suspek sa panununog ng Voters Counting Machine (VCM) at election paraphernalias sa Jones, Isabela kamakalawa.

Ang suspek na si Rodel Pascua ay nadakip dakong alas-10:30 ng gabi sa Brgy. Diarao habang ang isa pang suspek na si Jayson Leanio ay kusang loob na sumuko dakong alas-9:30 ng umaga sa Brgy. Sta. Isabel, Jones ng nasabing lalawigan.

Magugunita na noong Martes alas-6:20 ng umaga nang harangin ng mga armadong kalalakihan ang dump truck na sinasakyan ng mga Board of Election Inspectors (BEIs) na may dalang VCM at election paraphernalias na sinunog ng mga ito sa Brgy. Sta Isabel ng nasabing bayan.

Ang sinunog na mga VCM machine at election paraphernalias ay naglalaman ng 200 boto na hindi pa nabibilang.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa dalawang suspek.

Una nang sinabi ni PNP Chief Police Ge-neral Oscar Albayalde na posibleng may kinalaman ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa insidente dahilan ‘rebel infested area’ ang pinangyarihan ng lugar.

VOTERS COUNTING MACHINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with