Sa ulat, bago naganap ang engkuwentro dakong alas-5:30 ng umaga kahapon ay nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng sundalo sa Sitio Puting Tubig, Brgy. Minautok ng nasabing bayan matapos na-report sa presensya ng nasa 30 armadong rebelde na nag­simula umanong umaligid sa lugar simula pa noong election period.
Joven Cagande
5 NPA rebels dedo sa engkuwentro
Joy Cantos (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang limang mi­yembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang tatlong sun­dalo ang nasugatan sa naganap na engkuwentro, kahapon ng umaga sa Brgy. Minautok, Calatrava, Negros Occidental.

Sa ulat, bago naganap ang engkuwentro dakong alas-5:30 ng umaga kahapon ay nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng sundalo sa Sitio Puting Tubig, Brgy. Minautok ng nasabing bayan matapos na-report sa presensya ng nasa 30 armadong rebelde na nag­simula umanong umaligid sa lugar simula pa noong election period.

Nang magpanagpo ay agad nagkaroon ng mainitang palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng limang rebelde habang tatlo namang sundalo ang nasugatan sa bakbakan.

Narekober sa encounter site ang isang magazine na may walong bala ng garrand carbine rifle, tatlong cellular phones, dalawang power banks, isang memory card, isang sim card, isang pares ng bota, isang duyan, sampung kilo ng bigas at iba pa.

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with