_pang-masa
^
Coddlers ni Bikoy, kakasuhan-DOJ
Ayon kay Guevarra na may mga ginagawa nang imbestigasyon at pag-aaral ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ni Advincula at pinag-aaralan na rin kung paiim­bestigahan sa NBI ang ibinunyag ng Malacañang na panibagong “ouster matrix” laban sa administrasyong Duterte.
Krizjohn Rosales

Coddlers ni Bikoy, kakasuhan-DOJ

Doris Franche-Borja (Pang-masa) - May 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ng Department of Justice ang mga nagkakanlong at nagbibigay ng proteksiyon kay Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy.

Ito ang naging babala ni Justice Sec. Menardo Guevarra na kung saan ay posibleng maharap sa criminal liability ang mga protectors at coddlers ni Advincula lalo na aniya at umamin mismo siya na sangkot sa illegal drug trafficking at bukod pa sa mga pending warrants of arrest nito sa iba’t ibang kasong kinakaharap.

Ayon kay Guevarra na may mga ginagawa nang imbestigasyon at pag-aaral ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ni Advincula at pinag-aaralan na rin kung paiim­bestigahan sa NBI ang ibinunyag ng Malacañang na panibagong “ouster matrix” laban sa administrasyong Duterte.

Magugunita na noong Lunes ay lumutang si Advincula sa opisina ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at inamin na siya si Bikoy na nagpalabas ng mga video laban sa pamilya Duterte na sangkot umano sa illegal drug trade.

PETER JOEMEL ADVINCULA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with