Isinumite ni Pimentel ang Senate Bill No. 118, na nagsususog sa Article 365 ng Act 3815 o ang Revised Penal Code, upang magsilbing pangontra sa nasabing krimen sa sandaling naisabatas ito.
Senate PRIB
Parusa sa reckless imprudence, mas pabibigatin ni Koko
Malou Escudero (Pang-masa) - May 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Senador Aquilino Koko Pimentel III na magpataw ng mas mabigat na parusa kabilang na ang mas mahabang pagkakakulong, sa mga mapatutuna­yang nagkasala ng reckless imprudence and negligence upang maiwasan ang pagkasira ng mga ari-arian at pagkawala rin ng buhay.

Isinumite ni Pimentel ang Senate Bill No. 118, na nagsususog sa Article 365 ng Act 3815 o ang Revised Penal Code, upang magsilbing pangontra sa nasabing krimen sa sandaling naisabatas ito.

Hiniling din niyang madiskuwalipika sa probasyon ang mga taong napatunayang sinadyang magsagawa ng reckless imprudence o grave felony na nagresulta sa kamatayan ng isang tao.

Binanggit ng senador ang 2014 Bulacan State University field trip tragedy, ang sunog sa Kentex slipper factory at ang paglubog ng M/B Kim Nirvana noong 2015, candy poisoning sa rehiyon ng Caraga ilang taon pa lamang ang nakalilipas at iba pang mga aksidente ng mga sasakyan.

Ipinanukala ng senador ang pagpataw ng prision correccional sa medium at maximum period nito.

Nasa dalawang taon, apat na buwan at isang araw hanggang apat na taon at dalawang buwan ang itatagal ng medium na pagkakakulong sa ilalim ng pricion correccional habang nasa 10 taon at isang araw hanggang 12 taon naman ang maximum period.

AQUILINO KOKO PIMENTEL III RECKLESS IMPRUDENCE AND NEGLIGENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with