Kandidatong SB member, 4 pa inambus sa La Union
Raymund Catindig, Joy Cantos (Pang-masa) - May 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang kandidato sa Sangguniang Bayan at ang apat nitong kasama makaraang paulanan ng bala ang convoy ng mga ito ng mga armadong kalalakihan sa highway ng Brgy. Nagsabaran Norte, Balaoan, La Union nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang sinasabing target sa ambush na si Rogelio Concepcion, 61-anyos, kumakandidato bilang SB member sa bayan ng Balaoan.

Ang iba pang sugatan ay sina Christian Estrada, Bernabe Orinado Sr., pawang 47-anyos; Teodorico Magleo, 43 at Mark Francis Arciaga, 20  taong gulang.

Ang mga armadong suspek ay sakay ng isang kulay puting Nissan Urvan (AO 8335) na mabilis na tumakas sa lugar matapos paulanan ng bala ang convoy ng mga biktima.

Batay sa report ng La Union Police, naitala ang ambush sa convoy ng mga biktima sa bahagi ng highway ng Brgy. Nagsabaran Norte ng bayang ito dakong alas-8:18 ng gabi kung saan pauwi na ang mga ito mula sa pangangampanya.

Si Concepcion ay pamangkin ng yumaong Balaoan Vice Mayor Alfredo Concepcion na pinaslang noong Nobyembre.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa natu­rang pananambang.

SANGGUNIANG BAYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with