Murang Kuryente Partylist lumahok sa Labor Day rally
(Pang-masa) - May 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinagdiwang ng Murang Kuryente Partylist (MKP) ang Labor Day sa paglahok sa inorganisang pagmartsa ng iba’t ibang adbokasiya upang mapagtibay ang karapatan ng uring manggagawa sa Pilipinas.

Nanindigan si MKP nominee at matagal nang energy advocate na si Gerry Arances na ang kanilang adbokasiya para sa abot-kaya, maaasahan at kayang ipagpatuloy na koryente ay mahalagang bahagi sa pagpapanatili ng karapatan ng mga manggagawa.

“Isipin mo, kung anu-ano na pinapasan ng ating mga manggagawa. Huwag na natin idagdag pa ang pahirap dulot ng di-makatarungang pagtaas ng presyo ng kuryente,” diin ni Arances.

Aktibo ang partylist sa pagsalag sa pagtaas ng singil ng mga energy company sa buong bansa at kabilang sa nagpetisyon sa Korte Suprema na naglalayong maibasura ang pitong power supply agreement (PSA).

“Matagal na nating iginigiit na ang mga PSA na tulad niyan ay mas makasasama hindi lamang sa mga manggagawa natin, ngunit sa lahat ng mga Pilipino rin,” ani Arances.

LABOR DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with