Iba’t ibang militanteng grupo ang nagmartsa sa España Boulevard patungo sa Mendiola bridge para isagawa ang kanilang kilos-protesta kaugnay sa paggunita kahapon ng Labor Day.
Ernie Peñaredondo
Labor Day rally generally peaceful
Joy Cantos (Pang-masa) - May 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine National Police na mapayapa sa pangkalahatan ang nangyaring kilos protesta ng miyembro ng mga organisasyon ng mga manggagawa at militanteng grupo kaugnay ng paggunita sa Labor Day.

 Ito ang ipinalabas na assessment kahapon ng PNP kaugnay ng monito­ring sa pagdaraos ng rally sa iba’t-ibang bahagi ng bansa partikular na sa Metro Manila.

Ipinaabot naman ni PNP Chief Police Ge­neral Oscar Albayalde  ang maalab na pagbati ng buong puwersa  ng PNP sa lahat ng manggagawang Pilipino ang isang mapagpala, makabayan, mapayapa at makabuluhang Araw ng Paggawa.

Libu-libong mga manggagawa ang nag­lunsad ng rally sa Labor Day sa maraming panig ng bansa na ang pinaka­sentro ay sa Metro Manila.

Nasa mahigit 8,000 pulis ang idineploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Araw ng Paggawa upang tiyakin na magi­ging mapayapa ang nasabing okasyon kahapon.

LABOR DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with