Kinilala ang mga sinibak na sina P/Staff Sergeant Reoven Carmelo Rota; P/Staff Sergeant Brindo Tudtud; P/Corporal Wendel Mark Lagunzad; P/Staff Sgt. Jude Jaquez; P/Staff Sergeant Jhun Rey Tagalog; P/Staff Sgt. Reofil Adalim; P/Staff Sgt. Ever Aneslagon; at P/Corporal Vernie Magdale na pansamantalang idinestino sa Personnel Holding Admin Unit ng Cebu City Police Office.
File
8 pulis-Cebu sinibak sa ‘brutality’
Joy Cantos (Philstar.com) - May 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walong pulis ang tinanggal sa puwesto kaugnay ng  nag-viral na “police brutality” sa pambubugbog nila sa isang naarestong drug pusher sa kontrobersyang anti-drug operations sa Cebu City noong Semana Santa.

Kinilala ang mga sinibak na sina P/Staff Sergeant Reoven Carmelo Rota; P/Staff Sergeant Brindo Tudtud; P/Corporal Wendel Mark Lagunzad; P/Staff Sgt. Jude Jaquez; P/Staff Sergeant Jhun Rey Tagalog; P/Staff Sgt. Reofil Adalim; P/Staff Sgt. Ever Aneslagon; at P/Corporal Vernie Magdale na pansamantalang idinestino sa Personnel Holding Admin Unit ng Cebu City Police Office.

Ang pagsibak sa walong pulis matapos mag-viral sa social media ang pagpasok ng mga armadong lalaki na nakasibilyan sa isang computer shop at bugbugin ang biktimang si Eddie Basillote, 28.

Ang insidente ay naganap sa operasyon sa Maxilom Extentsion sa Brgy. Carreta, Cebu City noong Abril 19 ng taong ito at makunan ang mga pulis ng CCTV na ipinost naman sa facebook.

POLICE BRUTALITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with