Mahigit 100,000 pulis ipapakalat sa polling centers
Joy Cantos (Pang-masa) - April 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit 100,000 pulis ang idedeploy ng Philippine National Police (PNP) sa mga polling centers sa iba’t ibang lugar sa bansa kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo 13 ng taong ito.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde kaugnay ng puspusang paglalatag ng seguridad ng PNP katuwang ang AFP sa ipatutupad na seguridad upang tiyakin ang maayos at mapayapang pagdaraos ng halalan.

Sa tala nasa mahigit 900 ang mga itinuturing na hotspots na mahigpit na tutukan ng security forces o mga lugar na mainit ang banggaan ng mga kandidato, may presensya ng mga armadong grupong banta sa pambansang seguridad at may kasaysayan ng mga patayan bunga ng alitan sa pulitika.

MIDTERM ELECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with