Norte solido kay Sen. Grace Poe
(Pang-masa) - April 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mainit na sinalubong ng mga tao sa lalawigan ng Cagayan at Isabela si Sen. Grace Poe nang ito ay nagtungo doon para mangampanya.

“Sa Isabela, makikita natin na walang bagyo o tagtuyot na kayang gumapi sa ispiritu ng Pilipino.Kung pagtitiwalaan ninyo akong muli, maaasahan ninyong kasama ninyo ako sa pagsusulong ng mga proyektong makatutulong sa mga kababayan nating Isabelano,” sabi ni Poe sa kanyang Facebook account.

Nauna rito sa Cagayan, dinumog ang senadora ng kanyang mga tagasuporta na nagsidagsa sa kanyang paglilibot sa nasabing lalawigan, partikular sa kabiserang Tuguegarao City.

Maglalagare si Poe ngayong Huwebes, Abril 25, sa Ilocos Sur at Norte na kabilang pa rin sa tinatawag na Solid North o balwarte ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Ang Isabela ay mayroong mahigit 911,000 botante, habang ang Cagayan ay mayroon namang mahigit 647,000 botante.

Ang Ilocos Region naman ay may 3.3 mil­yong botante at kung isasama pa ang Pangasinan na may mahigit 1,900,000 registered voters ay mahigit limang milyong boto ang makokopo ni Poe sa rehiyon.

GRACE POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with