12 opisyales ng Cauayan, Isabela kinasuhan ng graft
Gemma Garcia (Pang-masa) - April 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Labindalawang opis­yal ng Cauayan, Isabela kabilang ang mayor at vice mayor ang kinasuhan ng graft sa Ombudsman matapos umanong pumasok sa isang kontrata sa pagpapatayo ng public market sa isang pribadong lupa.

Ang mga kinasuhan ay sina Cauayan City Mayor Bernard Faustino M. Dy; at Vice Mayor Leoncio A. Dalin, Jr.; City Councilors Edgar M. De Luna; Danilo B. Asirit; Marco Polo A. Meris; Salcedo T. Foronda; Garry G. Galutera; Reynaldo O. Uy; Edgardo A. Atienza Jr.; Bagnos A. Maximo; Victor H. Dy Jr.; at  Caesar H. Dy Jr.

Nag-ugat ang kaso laban sa mga opisyal matapos silang ireklamo ng isang Julio Maluyo, na dating army colonel nang bigyan ng go signal ng mga local officials ang pagpapatayo ng Cauayan City Mega Market gayung siya ang legal na may-ari ng lupa na balak itayo ang palengke.

Anya, isa umanong malinaw na land grabbing ang ginawa ng mga opisyal kaya sinampahan niya ito ng reklamo sa Ombudsman.

OMBUDSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with