Bumaba ang mga Pinoy na nakakaranas ng pagkagutom-SWS
Angie dela Cruz (Pang-masa) - April 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Batay sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na isinagawa noong Marso 28-31 sa 1,440 matatanda sa buong bansa ay bumaba sa 2.3 milyong pamilyang Pilipino o 9.5 percent ng mga Pinoy ang nakakaranas ng pagkagutom sa unang tatlong buwan ng 2019.

Nagpapakita sa survey na mas mababa ito sa 10.5 percent o may 2.4 milyong Pilipinong pamilya ang nagsasabing sila ay nakakaranas ng gutom noong nagdaang quarter.

Bumaba ang pagkagutom ng may 6.6 points o 11.7 percent para sa may 387,000 pamilya sa Metro Manila, 2.2 points o 6.1 percent sa 345,000pamil­ya sa Mindanao.

Umangat naman ng may  0.6 points o 10.3 percent o 1.1 milyong pamilya ang nagsasabing sila ay dumaranas ng gutom sa Luzon at  0.8 points o 10 percent o 472,000 pamil­ya sa Visayas.

 Kung susumahin may 8.1 percent o 2 mil­yong pamilya ang nakakaranas ng “moderate hunger” o nakakaranas ng gutom ng isang beses o ilang beses lamang sa nagdaang tatlong buwan habang 1.3 percent o 327,000 pamilya ang nagsasabing sila ay palagiang nagugutom at walang makain.

May 0.4 percent naman o 98,000 mga pamilya ang walang masabi kung sila ay nagugutom kayat sinama na lamang sila sa “moderate hunger,”

SOCIAL WEATHER STATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with