Holdaper kumasa sa mga pulis, todas
Mer Layson (Pang-masa) - April 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa halip na sumuko ang isang lalaking nangholdap sa isang spa matapos makorner ay nanlaban umano ito sa mga pulis na aaresto sa kanya na naging dahilan ng kanyang kamatayan kamakalawa ng gabi sa Brgy.Del Monte, Quezon City.

Inilarawan ang suspek na nakasuot ng puting t-shirt, maroon na walking pants, at tsinelas, at armado ng kalibre .38 baril.

Bago ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi sa 21 Florencia West Riverside St., Brgy. Del Monte ay nakatanggap ng sumbong ang mga pulis hinggil sa holdapang naganap sa loob ng Florence Spa, na matatagpuan sa 314 Roosevelt Avenue, kanto ng M.H. del Pilar, sa Brgy. San Antonio, Quezon City, dakong alas-3:00 ng madaling araw.

 Sinabi ng mga biktimang sina Mariellevie Hallera, 20, manager, at Rose Angelyn Garcia, 28, therapist ay natangay ng suspek sa kanila ang isang Samsung J7 Pro cellular phone na nagkakahalaga ng P17,000;dalawang gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P9,000, dalawang ladies gold plated watch na nagkakahalaga ng P6,000 at isang spare keypad ng cellphone na nagkakahalaga ng P500.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad laban sa suspek, na nakilala batay sa kuha ng CCTV footage ng establisimyento.

Natunton ng mga pulis ang kinaroroonan ng suspek at sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa umano ang mga ito sa otoridad, na nagresulta sa pagkamatay nito.

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with