Jeep sumalpok: 3 patay, 23 sugatan
Joy Cantos (Pang-masa) - April 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi habang 23 ang nasugatan matapos bumangga ang isang pampasaherong jeep sa konkretong marker sa kahabaan ng circumferential road, Brgy. Asin Road, Baguio City, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Elizabeth Panes, 54; Richelda Abigar, 47; at Julia Labi.

Habang ang 23 nasugatan ay dinala sa Baguio Gene­ral Hospital Medical Center para malapatan ng lunas.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente sa kahabaan ng circumferential road, Brgy. Asin Road ng lungsod ay kasalukuyang mabilis na bumabagtas ang Isuzu jeepney (ACK-342 )  na minamaneho ni Leander Vergara, 23, sa nasabing lugar nang biglang mawalan ito ng preno.

 Nagpagewang-gewang ng takbo ang jeep sa kaliwang bahagi ng highway hanggang sa sumalpok sa kongkretong gate marker ng Sta Lucia Realty Corporation.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng ma-tinding sugat ang tatlo na pawang binawian ng buhay sa insidente.

Sa imbestigasyon na masyadong matulin ang pagpapatakbo ni Vergara na dahilan para ito ay mawalan ng preno.Nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting to 3 counts of homicide at multiple physical injuries ang driver ng jeepney.

BUMANGGA PAMPASAHERONG JEEP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with