Nabatid na bago nagpanagpo ang dalawang panig dakong alas-2:00 ng madaling araw ay naglunsad nang pinaigting na opensiba ang tropa ng Army’s 3rd Scout Ranger Battalion (SRB), 64th Infantry Battalion (IB),18th Infantry Battalion at 12th Division Reconnaissance Company sa ilalim ng pamumuno ni Brig.Gen. Fernando Reyeg, Commnder ng JTF Basilan laban sa Abu Sayyaf Group (ASG) Commander Furuji Indama sa Sitio Gipitan ng nasabing barangay.
File
4 Abu utas sa Basilan encounter
Joy Cantos (Pang-masa) - April 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napatay ang apat na pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) nang makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa Brgy Bohe Pahu, Ungkaya Pukan, Basilan, kahapon ng madaling araw.

Nabatid na bago nagpanagpo ang dalawang panig dakong alas-2:00 ng madaling araw ay naglunsad nang pinaigting na opensiba ang tropa ng Army’s 3rd Scout Ranger Battalion (SRB), 64th Infantry Battalion (IB),18th Infantry Battalion at 12th Division Reconnaissance Company sa ilalim ng pamumuno ni Brig.Gen. Fernando Reyeg, Commnder ng JTF Basilan laban sa Abu Sayyaf Group (ASG) Commander Furuji Indama sa Sitio Gipitan ng nasabing barangay.

Sa kasagsagan ng putukan ay naghiwa-hiwalay ang mga bandido sa kanilang pagtakas at nagpadala rin ng close air support ang Philippine Air Force upang tugisin ang mga tumatakas na kalaban.

Habang nagsasagawa ng clearing operation ang tropa ng Army’s 12th Division Reconnaissance Company (DRC) ay narekober ang apat na bangkay ng Abu Sayyaf na inabandona ng mga nagsitakas ng mga kasamahan.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with